saro..
wag mo akong kausapin, naiinis ako
naiinis ako 'pag ikaw ang naririnig ko
wag kang gagalaw, wag kang kikibo
bakit ang likot mo, tanga ka ba o ano?
nalulungkot ako pag ikaw ang naririnig ko
*tic toc*
di ka pa ba tapos? anong laro ba yan?
walang tigil sa pag-galaw, malikot mong gunita
gusto kitang tapusin, ihagis sa bintana
pero iyong mga bulong tuloy ang ngawa
*tic toc*
tiktok tiktok, paulit-ulit!
tiktok tiktok, nakakagalit!
tiktok tiktok, napaka-pangit!
tiktok tiktok, pawis na singit!
ipo-ipo, ipo-ipo tangayin mo na ako
agos ng agos, paliguan ako ng haplos
*tic toc*
ang haba ng buhok, di nagugupitang kuko
madaming paso, kita na ang bungo
kada *tic* isang sentimetro
kada *toc* patay na lamok
*tic toc*
walang tigil, walang tigil!
puro bilbil, puro bilbil!
gigil na gigil, gigil na gigil!
*tic toc*
bagong musika, bagong tunog
*bang bang*
paulit-ulit, sunod-sunod
*wang wang*
hindi na pagod, magaan na ang loob
*tic toc*
lolo, lolo di na maririnig
tunog na napakaligalig
lolo, lolo pahinga na kayo
sana kayo'y pensiyondao para sa inyong mga apo
*tic toc* di na maririnig
*tic toc* tapos na ang duty, tapos na ang shift
*tic toc tic toc*
Zzz zzz.. n_n
booger, wax, trumpet at e-bax..
kahit ano pa ang ating itsura,
kahit anong imahe
lahat tayo ay may kulangot, tutule, umuutot at tumtae..
lahat ng tao madume!
kulangot,
kulangot para sa mga politiko
nakakita ka na ba?
ang kulangot nila ay ispesyal, inbisibol!
di mo makikita..
may nakita ka na bang politikong may kulangot o nangungulangot?
hindi.. pero alam mo mero at ginagawa nila
madalang lang mahuli o makita..
ang galing, napakagaling!
di nila kinakalikot ang kanilang ilong
dahil kuko nila ay ginto, ginto, ginto..
kulangot!
tutule,
tutuleng lusaw o malutong?
ng mga dukha o normal na tao..
lusaw ang tutule kung ika'y pulube sa kalye
at malutong para sa middle klas na 'wa silbe..
simple lang, hinliliit lang ang katapat kahit saan
walang makakaalam..
puwera na lang kung lusaw
tiyak na pulube ka na pandidirihan..
tutule!
utot,
utot na may tunog o wala?
mabaho o nuknukan ng bantot?
o yung rare na walang amoy at madalang masinghot?
ang utot..
yung dumi ng mga artista
gustong-gusto nila maamoy galing sa iba o sa sarili nila..
utot dito, utot doon
singaw dito hanggang doon!
walang lusot
ang sarap ng utot!
tae,
pang-finale
ang dumi ng mga elitistang makasarili
akala mo mga Diyos o di kaya'y Hari..
tangan nila ang banal na dumi
nasa taas at sinasarili..
mga taong naka-plano ang pag-dumi
hinihilamos nila araw-araw, gabi-gabi
ang kanilang mabango at masarap na tae..
di sila halata, di natin amoy
umfft! taeee..
lahat tayo ay tao, iba-iba lang ang dumi..
kahit ano ang ating itsura o imahe
lahat tayo'y may kulangot, tutule, umuutot at tumatae..
lahat tayo madumi..
ay! nalimot ko po? pasintabi sa mga kumakain? patawad! n_n
eek.. eek? "KESO? KESO?"
napakadaya ng buhay..
kahit saan ko tingan, di ko makita ang katarungan..
kasalanan ko ba na ipinanganak akong ganito?
sana naman maintindihan mo..
takot na takot, asar na asar..
gusto pa kong lasunin!
kasalanan ko ba kung napupuna ko ang baho at dumi mo?
ayusin mo muna kay ang buhay mo bago ako ang pag-diskitahan mo!
ayoko na, sawa na ako..
ano ba pakealam nyo saken?
nakamukmok na nga lang ako sa napakadilim at maduming bahagi ng mundo!
konting lambing ko lang, tatakbuhan na ako..
napakasaklap, walang makaunawa..
sana, bago kayo magalit saken, tingan nyo muna ang sarili ninyo!
ayusin niyo naman yung mga dumi niyo!
di nyo ba naririnig ang hinagpis ng Nanay ninyo?
mga makasarili, mga ganid..
pati nga kapwa niyo, sinasaktan ninyo!
gusto lagi may bagong matutuklasan..
kami pa ginagamit niyo minsan!
yan ba turo sa inyo ng mga magulang at guro ninyo?!
umayos kayo, hindi lang kayo ang nabubuhay sa mundo..
pagod na ako.. pakinggan niyo naman ako..
paghi-hinagpis mula sa tala-arawan ng Dagang may bangs..
err.. x_x
eskrima ni Shon..
galing sa palengke, lutang ang gunita
pasado ala-una, wala pang laman ang sikmura
amoy kape ang hininga, kumakalansing ang barya..
tangan ko na numero, pitompu't-walo
susmaryosep! pang bente-sinco pa lang!
*ding dong*
tatlompu't-isa, trenta'y nuebe
malapit na, eto na..
katabi ko'y amoy palengke, tila wala sa gunita
ala-una medya, gutom ang kaluluwa
amoy kape ang buntong hininga at maraming barya
ay nako! pang pitompu't-lima siya!
nakakagigil ang ngiti at hagikhik ng kahera
nakakainis at amoy pera
*ding dong*
apatnapu't-isa, sincuenta, limampu't-lima, sicenta
kainan na..
katabi kong tindera, tila tatayo na
alas-dos kinse, gutom na rin siya
ang sarap ng kape at ang ingay ng barya..
teka, teka? sino tong singkit na mestisang matanda?
aura ay pinalilibutan ni Vicente Lim, Jose Abad Santos at Josefa Llanes Escoda o Escolta o kung sino man siya!
may dalang Jollibee, inabot sa kaherang tila nawala sa katinuan
inabot ang isang supot na malulutong na papel ang laman
pitompu't-lima na dapat, pitompu't-lima na..
limang minuto bago mag-alas tres
katabi kong palengkera naging bato na
di nagalaw, di nakibo..
di na kape ang nasisinghot ko
amoy na ng malansang barya na nakalagay sa munting sako..
sa wakas! pitompu't-lima na!
panahon na upang bumangon ang tindera!
inilatag sa lamesa, munting sako ng barya..
kaherang baboy ngumiti at,
"pakibilang po isa-isa, pakisulat kung ilan sila, paki-supot kada isangdaan, bumalik kayo pag tapos na!"
ang susunod na eksena ay medyo masaya
*cling clang*
parang may nag-eeskrima! sumaboy sa mukha ng kawawang kahera, malansang barya na pambayad utang sana!
lumuha ng barya baboy sa likod ng lamesa
kumain ng Jollibee ang nagwaging tindera!
la la la..
SABOG ANG BANGKO!
ang Sining at ang UNGGOY..
ano ang silbi ng sining sa mundo ng mga dukha?
ano ang sining sa walang laman ang sikmura?
pentel pen sa pader, tinta ng Panda sa papel..
skulptura ng anghel? burda sa katawan ng sinto-sintong unggoy?
ang sining ng tanga! ang sining ng tanga!
ang sining ng unggoy, ng baboy at halimaw sa banga!
eto ba yung nakakalbong puyo ni Madre Sierra?
eto ba yung hubad na dalagita sa kalsada?
eto ba yung makalat na kalsada ng Maynila?
eto ba yung dugong umaagos sa pagitan ng lupa at mga tala?
ang sining ng unggoy! ang sining na baduy!
ang sining ng tanga at ng kapre sa sanga!
hindi ito yung nakasabit sa museo!
hindi ito yung mga linyang puro tugma sa mga libro!
hindi ito yung pintura na naka-hulma sa kanbas mo!
hinding-hindi ito nakikita ng hindi sira ang ulo!
yan ang sining ng tanga! ng maralitang dukha!
yan ang sining ng unggoy na nasusunog sa lupa!
tawa ka na! ha! ha! ha!
peace love.. n_n
awit ng balyenang may bitbit na lampara..
una kong narinig ang iyong tinig,
nawala ako sa sarili..
halos mawala sa katinuan..
tila may nais iparamdam..
napakabanayad..
natatangay ang kaluluwa kong sa aking katawan ay tila nais ng kumalas..
napakaganda, napakalungkot..
ang aking puso ay natunaw at nayamot..
patawad kaibigan, alam kong ika'y nahihirapan..
patawad dahil di ko sila kayang pigilan..
ngunit kahit na dapat kang magalit,
hindi iyon ang nadama ko sa iyong pag-awit..
lungkot at awa para sa aming mga kulang sa pang-unawa..
napakabanayad..
napakabanayad..
hindi mapigilang lumuha ng puso kong nagwawala..
napakalungkot..
dahil ang luha mo ay humahalo sa tahanan mong aming nilason..
ang iyong tinig kaibigan,
aking iingatan..
huwag kang mag-alala, huwag mawalan ng pag-asa..
pipilitin kong gumawa ng paraan..
salamat..
salamat sa awit na aking napakinggan..
napakalungkot,
napakabanayad..
kuwento ng pakiki-dalamhati sa tala-arawan ng Walrus na lumuluha ng dugo..
please.. do your part.. save the planet.. n_n
ang demonyo at si Sisa..
libo-libo, labo-labo, lumulobo! lumulobo..
ipa-flush mo na lng ba sa inidoro?
pwede siyang maging pintor o di kaya'y isang doktor?
pwede din na kubrador o di kaya'y adik..
adik, adik, adik!
libo-libo, labo-labo, lumulobo lobo lobo..
wag mo ng bigyan ng pagkakataon?
isilid mo sa plastik at sa lupa ibaon!
at pagkatapos kaluluwa mo ay ipakakain ko sa dragon haha!
patay! patay! buga hiningaaa!
labo-labo, lobo lobo, libo-libong lumulobo..
bakit? bakit? papaano mo ginawa?
wala ng silbi ang pitompu't-walong balde ng luha!
hindi mo na maririnig ang kanyang bungisngis..
humanda ka na sa habambuhay mo'ng pag-inom ng laway na panis!
glug glug glug ahhhh..
lobo lobo, libo-libo, bobo bobo, labo-labo..
wala ka'ng karapatan na mag-desisyon para sa kanya..
siya ang masusunod pag humihinga na siya..
siya ang magsasabi kung naging mabuti at mapag-mahal ka'ng tanga!
siya lang dapat ang pinakinggan mo..
siya na ikaw lang ang puwedeng sumaklolo..
ngayon ano? ano? ano?
winasak mo ang pintor o embalsamador o kargador!
bakit? paano? paano mo ginawa?
ngayon, kung kelan nakabaon saka ka magtatanda..
ngayon, sa bawat inom mo ng tableta, ako ang maririnig mo!
ako na walang konsensya!
libo-libo, labo-labo, nagpapa-lobo lobo lobo..
patawarin ang sarili para maglaho ang multo..
err..
salamat at hindi ako naging KANGAROO..
pinanlalamas, hinahaplos..
pinipilit maigapos..
sundot dito, labas doon..
malinis man o bastos..
walang pagod, kayod ng kayod..
nanginginig, nakakakilig!
pawis na pawis
magaspang na kutis..
nakakamangha,
nakakatulala..
nakakakilos ng napakalaya..
nanginginig, di mapakali..
tila pumipiglas
gusto ng kumalas..
guhit dito, guhit duon
mula noon hanggang ngayon..
andami ng kargo
wala pa din tigil..
gigil na gigil!
napakalikot
kalikot ng kalikot..
sinisipsip, sinisimot..
kislot ng kislot
kirot ng kirot..
puro uling at pintura..
napakagaspang, napakaganda..
madaming peklat,
walang sugat
sulat ng sulat ng sulat..
boses para sa di nasasabi..
sandata ng may sayad na kokote..
tagapagpahayag ng imahinasyong maligalig..
salamat, salamat po
patawad at isang nangingilong saludo..
nangininig, pawis na pawis..
mga haplos na may pagka-manyakis..
isang pagpupugay para sa'yo,
kamay kong pasmado..
Zzz zzz.. *_*
