galing sa palengke, lutang ang gunita
pasado ala-una, wala pang laman ang sikmura
amoy kape ang hininga, kumakalansing ang barya..

tangan ko na numero, pitompu't-walo
susmaryosep! pang bente-sinco pa lang!
*ding dong*
tatlompu't-isa, trenta'y nuebe
malapit na, eto na..

katabi ko'y amoy palengke, tila wala sa gunita
ala-una medya, gutom ang kaluluwa
amoy kape ang buntong hininga at maraming barya
ay nako! pang pitompu't-lima siya!

nakakagigil ang ngiti at hagikhik ng kahera
nakakainis at amoy pera
*ding dong*
apatnapu't-isa, sincuenta, limampu't-lima, sicenta
kainan na..

katabi kong tindera, tila tatayo na
alas-dos kinse, gutom na rin siya
ang sarap ng kape at ang ingay ng barya..

teka, teka? sino tong singkit na mestisang matanda?
aura ay pinalilibutan ni Vicente Lim, Jose Abad Santos at Josefa Llanes Escoda o Escolta o kung sino man siya!
may dalang Jollibee, inabot sa kaherang tila nawala sa katinuan
inabot ang isang supot na malulutong na papel ang laman
pitompu't-lima na dapat, pitompu't-lima na..

limang minuto bago mag-alas tres
katabi kong palengkera naging bato na
di nagalaw, di nakibo..
di na kape ang nasisinghot ko
amoy na ng malansang barya na nakalagay sa munting sako..

sa wakas! pitompu't-lima na!
panahon na upang bumangon ang tindera!
inilatag sa lamesa, munting sako ng barya..
kaherang baboy ngumiti at,
"pakibilang po isa-isa, pakisulat kung ilan sila, paki-supot kada isangdaan, bumalik kayo pag tapos na!"

ang susunod na eksena ay medyo masaya
*cling clang*
parang may nag-eeskrima! sumaboy sa mukha ng kawawang kahera, malansang barya na pambayad utang sana!
lumuha ng barya baboy sa likod ng lamesa
kumain ng Jollibee ang nagwaging tindera!
la la la..

SABOG ANG BANGKO!